Imee nilayasan na Alyansa

MANILA, Philippines — Tuluyan nang kumalas si Sen. Imee Marcos sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, ang koalisyon na iniendorso ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Marcos na hindi na niya kayang mangampanya at tumuntong sa iisang entablado kasama ang iba pang kasapi ng Alyansa.
May mga natuklasan din umano siya na ginawa ng administrasyon tungkol kay dating pangulong Rodrigo Duterte na salungat sa kanyang mga paninindigan at prinsipyo.
Mananatili aniya siyang independent sa pagtakbong muli sa Senado.
Kaugnay nito, sinabi ni Alyansa campaign manager at Navotas Rep. Toby Tiangco na iginagalang nila ang desisyon ng senadora.
“We respect Senator Imee’s decision. We wish her luck in the campaign,” ani Tiangco.
- Latest