Bong Go, Tulfo bros. nanguna sa senatorial survey – SWS
MANILA, Philippines — Napanatili nina Sen. Christopher “Bong” Go at ACT-CIS party-List Rep. Erwin Tulfo ang kanilang pangunguna sa Senate race, base sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa ngayong Marso.
Nag-tie sina Go at Tulfo sa una at ikalawang puwesto matapos makakuha ng tig-42% voter preference.
Nasa ikatlo at ikaapat na puwesto naman sina mediaman Ben BITAG Tulfo at dating Sen. Tito Sotto na may 34%; pang-lima si Sen. Lito Lapid, 33% at pang-anim si Sen. Bong Revilla, 32%.
Tabla sa ikapito at ikawalong puwesto sina Sen. Pia Cayetano at dating Sen. Ping Lacson, 31%; pang-siyam si Sen. Ronaldo ‘Bato’ dela Rosa, 30%; at pang-10 si TV host Willie Revillame, 28%.
Pasok sa 11-13 sina Makati Mayor Abby Binay, dating Sen. Manny Pacquiao, at Camille Villar na may tig-27%.
Sa naturang survey, na kinomisyon ng Stratbase at ginawa mula Marso 15-20, tinanong ang mga respondents na, “Kung ang eleksyon ay gaganapin ngayon, sino po ang pinakamalamang ninyong iboboto bilang Senador ng Pilipinas?”
- Latest