^

Bansa

Escudero sa Dutertes: Huwag kaladkarin AFP sa pulitika

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Escudero sa Dutertes: Huwag kaladkarin AFP sa pulitika
Senate President Francis Escudero answers questions from the media during a press conference at the Senate on March 24, 2025.
Jesse Bustos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Hindi dapat kinakaladkad ng mga Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pulitika tuwing may mga isyu na kailangan nilang harapin, ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero.

Ginawa ni Escudero ang pahayag matapos punahin ni Vice President Sara Duterte ang kawalan ng aksiyon ng AFP nang arestuhin ng Interpol ang kanyang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte at dalhin sa The Hague.

Sinabi ni Escudero na hindi niya maintindihan ang concern ng bise presidente at tila “common” na aniya sa mga Duterte ang umapela sa AFP na kampihan sila sa tuwing may kaganapan.

Sinabi rin ni Escudero na hindi niya maunawaan kung bakit mistulang pinagbabangga ang AFP at Philippine National Police.

“Dahil hindi ko rin maunawaan kung ano ‘yong apela niyang sinasabi kaugnay noon na ‘yong Presidential Security Command daw ay under ng AFP. Pero ano ang gusto niyang palabasin? Magbabangayan ang sundalo at ang pulis?” ani Escudero.

Maliwanag naman aniya na operasyon ng law enforcement ang ginawang pagsuko ng gobyerno kay Duterte sa ICC at tumulong lamang ang AFP.

Hindi rin aniya dapat kuwestyunin ang pag-aresto sa dating Pangulo sa Villamor Airbase na isang pasilidad ng militar.

“Well ulitin ko, tila pilit nilang dinadamay ang Sandatahang Lakas sa iba’t ibang isyu na hindi naman dapat talaga at wala namang isyu. Dahil facility man ‘yan ng pulis, facility man ‘yan ng sundalo, facility man ‘yan ng executive branch o ng Kongreso, ang law enforcement operation ay law enforcement operation pa rin,” paliwanag ni Escudero.

AFP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with