^

Bansa

‘Alyansa’ Senate bets naglatag ng solusyon vs polusyon sa Laguna Lake

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

SANTA ROSA CITY, LAGUNA, Philippines — Naniniwala ang mga pambatong ­senatorial candidates ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na mareresolba lamang ang lumalalang polusyon sa Laguna Lake sa pamamagitan ng ‘multi-pronged approach’ o magkakatuwang na pagkilos mula sa legislative review, enforcement at local accountability.

Sa isinagawang press conference dito nitong Sabado, sinabi ni reelectionist Senator and Majority Leader Francis “Tol” Tolentino na kailangang ma-review ang mandato ng Laguna Lake Development Authority (LLDA), baka hindi aniya sapat ang kapangyarihan nito para tugunan ang problema sa polusyon sa lawa. Mahalaga rin aniya na malaman kung ano iyung mga sanhi ng pagdumi ng lawa, ­maging ang pinagmumulan nito.

Para kay ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo, dapat bantayan ng lokal na pamahalaan ang mga residente na nagtatayo ng kani-kanilang bahay malapit sa mga pader na naghihiwalay sa lawa, bukod sa ginagawang aksiyon ng LLDA.

Mahalaga aniya ang papel ng mga LGU sa pagpigil sa pagkasira ng lawa, maging mahigpit s? pagbibigay ng mga permit sa pagtatayo ng mga ­establisimyento malapit sa lawa.

Sa panig ni former Interior Secretary at Mandaluyong Mayor Benhur Abalos, ibinahagi nito ang kanyang karanasan sa pagtalima sa polusyon sa Pasig River.

Aniya, dapat alamin muna ang pinagmumulan ng problema at atasan ang nararapat na gumawa ng aksiyon. Dapat din aniyang papanagutin ang mga ahensiyang walang aksiyon.

LAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->