^

Bansa

Bong Go, nakatutok sa imbestigasyon sa pagkamatay ng mga sanggol sa ospital’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigpit na nakatutok si Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health, sa imbestigasyon sa pagkamatay ng mga sanggol sa magkahiwalay na ospital sa Bohol at Negros Occidental.

Ikinabahala ng senador ang mga posibleng lapses sa pangangalagang medikal sa mga nasabing insidente na humantong sa pagsisiyasat sa mga protocol sa ospital upang hindi na maulit ang mga katulad na kaso.

“Mahalagang matiyak na maayos ang ating mga ospital at may sapat na suporta sa ating mga healthcare workers upang makapagbigay ng de-kalidad na serbisyo sa ating mga kababayan,” ani Go.

Sa Governor Celestino Gallares Memorial Medical Center sa Bohol na nasa ilalim ng Department of Health (DOH), isang 9-buwang gulang na babae ang tatlong beses na dinala rito sa pagitan ng Marso 3 at 5 dahil sa lagnat, pagsusuka, at pagtatae.

Sinabi ng ina ng sanggol na si Maricel Igang, paulit-ulit ding pinauwi ang kanyang anak at hindi in-admit matapos bigyan lamang ng gamot at oral rehydration salts. Lumala ang kondisyon ng bata hanggang sa bawian ng buhay.

Samantala, sa Negros Occidental, ilang medical practitioners ng Bago City Hospital ang nahaharap sa kasong administratibo kasunod ng pagkamatay ng isang bagong silang noong Pebrero.

Nakakita ang nilikhang fact-finding committee ng Bago City ng mga ebidensya na may lapses sa bahagi ng ospital.

Ayon sa reklamo, ang ina ng sanggol ay 12-oras nag-labor at humiling ng isang cesarean section ngunit hindi nagawa sa wastong oras. Namatay ang sanggol habang nasa kritikal na kondisyon ang ina.

Ramdam ni Senator Go ang sakit para sa nagdadalamhating pamilya habang batid din ang mga hamong kinakaharap ng healthcare worker na nasa high-pressure situations.

CHRISTOPHER “BONG” GO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->