^

Bansa

INC pinasalamatan ni Bong Go sa paninindigan para sa kapayapaan, pagkakaisa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lubos na pinasalamatan ni Senator Christopher “Bong” Go ang Iglesia ni Cristo (INC) sa matatag at maprinsipyong paninindigan nito sa gitna ng kaguluhan sa pulitika kasunod ng pag-aresto kay ­dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinuri rin ng senador ang panawagan ng religious group para sa pagkakaisa, kapayapaan, at pagsunod sa panuntunan ng batas.

Nauna rito, binasag ng INC, sa pamamagitan ng tagapagsalita nitong si Ka Edwil Zaballa, ang kanilang pananahimik sa sitwasyon, sa pagsasabing ang mga rally at public unrest ­kamakailan ay nag-ugat sa pagtanggi ng gobyerno na sundin ang mga naunang panawagan para sa pambansang pagkakasundo at matinong pamumuno.

“Nang mag-rally, ang panawagan ay kapayapaan, pagkakaisa at unahin ang ­problema ng bansa. Hindi ­pinakinggan ng kinauukulan kaya nangyari ‘yung mga nangyayari ngayon,” sabi ni Zaballa patungkol sa National Rally for Peace ng INC noong Enero 13, 2025.

Bilang reaksyon sa mga pahayag na ito, sinabi ng senador na nananatili siyang umaasa na ang katarungan at kapayapaan ay mananaig—kung pipiliin ng mga Pilipino ang batas at katotohanan kaysa sa paghihiganti at pagkakahati.

INC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->