Alex at Mikee, Idinaan sa sky lantern ang wish na babies

Hindi talaga kumpleto ang biyahe mo sa Taiwan kapag hindi ka nagpalipad ng sky lantern sa Pingxi Station na may nakasulat ang iyong wish.
Ganito ang ginawa ng mag-asawang Mikee Morada at Alex Gonzaga nang pumasyal sila sa Taiwan kamakailan.
Nag-post nga si Alex ng pagpapalipad nila ng lantern na nakasulat ay ‘Healthy babies for me and Mikee’
“Last February we had a quick trip to Taiwan after everything that happened. Kahit sobrang busy nakapaglaan pa rin ang asawa ko ng ganitong oras. Thank you @mikee_mo at sorry dahil pabebe asawa mo,” dagdag pa sa caption ni Alex.
Kaya naman ang daming naki-wish na sana nga ay matuloy na ang pagbubuntis niya.
Tho ayon nga kay Alex hindi na niya pini-pressure ang sarili na mabuntis. Chill na lang daw siya at hihintayin na lang nila ng mister kung kailan darating ang first baby nila.
“Parang ngayon, siguro this time, kasi last year, pinressure ko kasi. Ang daming nagsabi sa akin, maganda ‘yung Year of the Dragon, ‘di ba? Nagalit Daddy (Bonoy) ko. Bakit daw ako (naniwala). Hindi raw kami Chinese. Kaya ako na-pressure, pa-IVF (in vitro fertilization) pa ako,” sabi niya sa huling interview namin sa kanya.
Hinahabol daw kasi nila that time ang Year of the Dragon na sinasabi ngang suwerte para sa mga bagong mag-asawa na magkaanak noong 2024.
“So parang, it’s really my perspective na, o kung hindi man nabibigay ng Panginoon ‘to, ito pwede namin gawin ito ni Mikee, nakakapag-travel kami, mag-business venture, kasi meron din kaming mga ibang ginagawang business venture.”
SLAY, pasabog!
Kapana-panabik ang bagong kabanata sa suspense drama, Slay, na kasalukuyan nang napapanood sa free TV na partnership ng GMA Network at Viu Philippines.
Ang Slay ay minarkahan ang unang Viu Original series ng GMA Network.
May dalawang magkaibang bersyon, na ang isa ay ipinapalabas sa TV at ang isa ay available sa Viu streaming platform kaya’t magkaiba ang ending nito.
The series is top-billed by Kapuso stars Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Ysabel Ortega, and Julie Anne San Jose—powerhouse actresses stepping into roles that will challenge their personas like never before.
Ang kuwento ay tungkol sa misteryosong pagkamatay ng fitness influencer na si Coach Zach (Derrick Monasterio), na namatay sa sunog habang kinukunan ang isang video sa pag-eehersisyo. Apat na babae—si Sugar (Mikee Quintos), Liv (Julie Anne San Jose), Amelie (Gabbi Garcia), at Yana (Ysabel Ortega)—ang naging pangunahing suspek, na bawat isa ay nagtatago ng kanilang mga lihim at motibo.
Ang bawat episode ay naglalahad ng higit pa sa mga ‘magandang babae na may pangit na nakaraan.’
Ang mga paikot-ikot na kuwento ay patuloy kang manghuhula, habang ang tensyon sa pagitan ng kababaihan at ng imbestigador na si Juro (Royce Cabrera) ay lumalaki sa bawat interogasyon.
Sa mundo kung saan marupok ang tiwala, walang ligtas sa hinala.
Joining the star-studded ensemble are Bernard Palanca, James Blanco, Phoemela Baranda, Chuckie Dreyfus, Simon Ibarra, Tina Paner, and Matet de Leon. The series also features Sparkle artists Nikki Co, Gil Cuerva, and Jay Ortega.
Slay is produced by the GMA Entertainment Group, headed by Officer-In-Charge and Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy, Assistant Vice President for Drama Helen Rose S. Sese, Program Manager Arnel T. Nacario, and Executive Producer Nieva Magpayo.
Napapanood na ito simula March 24 sa GMA Prime, Mondays to Thursdays at 9:25 p.m. Global Pinoys can also tune in via GMA Pinoy TV.
Arjo, namaster na ang pagsasalita
Emosyonal kahapon si Cong. Arjo Atayde kanyang State of the District Address (SODA) na ginanap sa SM North EDSA Skydome.
Naka-tatlong taon na kaagad sa kanyang posisyon bilang kongresista ang aktor / pulitiko at ang dami niyang pinasalamatan na bagama’t first timer aniya siya sa pulitika, hindi raw siya nahirapan dahil sa suporta ng kanyang pamilya particular na ang mga magulang niyang sina Art Atayde at Sylvia Sanchez, ang misis niyang si Maine Mendoza at ni Mayor Joy Belmonte na nagme-mentor sa kanya.
Bahagi rin ng kanyang SODA ang legislative highlights umpisa nang umupo siya sa kongreso. Kabilang dito ang 46 Republic Acts, 65 House Bills as co-author, 174 House Bills as Principal Author and 78 House Resolutions.
Binigyang diin din niya sa nasabing privilege speech ang lumalalang problema ng baha sa kanyang distrito, District 1 of Quezon City, na kailangan aniya ng suporta ng national government.
Pero ang isang standout project daw sa kanyang ‘Aksyon Agad’ na mga proyekto ay ang Kusina on Wheels na isang mobile feeding initiative na may free meals sa 37 barangays.
Sa bandang huli ay mas naging emosyonal siya. Overwhelmed aniya siya sa mga dumalo sa kanyang SODA na pinangunahan ni Mayor Joy, Senator Erwin Tulfo, Vice Mayor Gian Sotto, SBP Partylist nominee RJ Belmonte, at marami pang ibang namumuno sa Quezon City.
Pero sa totoo lang, ang husay nang mag-speech ng aktor / pulitiko, with conviction ang kanyang mga salita habang nagtatalumpati.
Tim Yap, bubuhayin ang career sa TV
Certified kapuso na ulit si Tim Yap matapos siyang pumirma ng kontrata sa Sparkle.
Naganap ang pirmahan ng kontrata noong March 18, with GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes and Sparkle First Vice President Joy Marcelo in attendance.
Mainit na tinanggap si Tim sa talent arm ng GMA 7, kung saan tinawag siya ni Ms. Joy na “spark” na matagal na nilang hinahanap. Pinuri niya ang impluwensya ni Tim, na naniniwalang maaari siyang magbigay ng inspirasyon at magturo sa mga batang artista.
Samantala, inalala naman ni Ms. Anette ang paglalakbay ni Tim kasama ang GMA, na kinikilala ang kanyang mga nagawa.
Para kay Tim, parang isang makabuluhang pag-uwi ang naganap :
“I’ve been such a fan of GMA since I was a kid. I would watch the shows. And I’m the seventh of seven. So that alone, seven has been a lucky and magical number for me,” Tim reminisced.
“And now that it’s the GMA 75th year, I’m so honored and humbled to be back in this building to build new memories with you guys,” dagdag niya.
Maalalang Tim hosted The Tim Yap Show from 2013 to 2015, co-hosted Miss Universe Philippines 2024, and even tried his hand at acting in the Philippine adaptation of Start-Up in 2022.
Ngayon, nagbabalik siya sa telebisyon na may mas malalaking plano.
“For my personal goals for my career, I want to continue hosting more and do more television. I told Joy (Marcelo) that this year is like my big TV comeback,” Tim said.
Ibinahagi rin niya ang kanyang kasabikan sa pagtanggap ng higit pang mga proyekto sa TV sa taong ito at binanggit kung paano sa tuwing sila ay magkakasama, creative ideas flow, birthing new collaborations and fresh concepts.
“I’m excited to put these concepts into provision,” he declared. “I’m excited to make it happen.”
Pahayag naman ni Ms. Annette : “I think hindi magiging complete ‘yung character of Tim in the entertainment industry without him also appearing in entertainment shows not just as a host, but also in acting. So that’s one of the projects that you can look out for this year. We are going to have Tim in one of our drama shows.”
- Latest