^

Pang Movies

Dennis, nakiuso sa makapal na makeup

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Dennis, nakiuso sa makapal na makeup
Dennis

Nakakaloka naman si Dennis Trillo sa bago na naman nitong TikTok video.

Kinaaliwan na naman daw ito ng mga tagahanga niya dahil sa paggamit ng make-up filter na sobrang kapal.

May pakulo pa siyang hawak ang isang orange na stuffed toy.  Sinasayaw-sayaw niya pa iyon na may sound effects pa.

Sa caption siyang “Uso daw ito eh…” ay umani iyon ng libu-libong likes at views.

Hindi rin talaga siya halos ma­kilala at meron pang napagkamalan siyang si Sassa Gurl.

Habang ‘yung iba raw ay inakalang random account lang ang na-view nila.

Mabuti nga raw at na-check agad ang pangalan ng nag-post at doon siya nakilala.

‘Kaloka.

Mukhang inspired si Dennis kaya ang daming naiisip na content at talagang nakikiuso pa siya ha.

Nakakatawa na may mga nag-comment pa raw na kung paano siya natatagalan ng misis na si Jennylyn Mercado.

Iba nga kasi ang trip ni Dennis sa TikTok na talagang kinaaaliwan din naman ng fans niya.

Nakaabang daw tuloy parati ang mga iyon sa mga bagong content ng actor.

Bongga talaga si Dennis na walang takot sa mga pinaggagagawa.

DENNIS TRILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with