^

Pang Movies

Arci, nilantad ang ‘baby’

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Arci, nilantad ang �baby�
Arci at Star

Nakakaloka na hindi nagpahuli si Arci Muñoz sa April Fools’ Day kahapon.

Nag-post pala ito ng litrato ng isang batang babae na kanyang little princess at matagal daw niyang hinintay na aminin ito. “Been waiting for the right moment to tell the world about you my sweet #Estrella soo blessed to have ya my little princess. Love you!” caption niya sa photo nila ng baby girl.

Marami ang nagulat at napaniwala ha. Tanong ng followers niya ay kelan daw ba nagbuntis si Arci.

Pati nga si Vina Morales ay napaniwala rin niya. ‘Kaloka.

Pero pamangkin pala niya iyon na nagngangalang Star.

Sa IG Story nga niya ay binawi nga niya ang post at sinabi niyang “My brother’s daughter…”

Sey nga sa kanya ay mag-ingat daw ito sa pagbibiro dahil baka bigla itong mabuntis ngayong taon na sinagot niya ng “why not!!!?”

Mukhang gusto nang maging nanay ni Arci ha.

Ok. Good for her. Hindi na siya bata. Bongga.

ARCI MUñOZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with