^

Pang Movies

Arjo, may gusto pang patunayan!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Arjo, may gusto pang patunayan!
Arjo

Hindi napigilang maging emosyonal ni Quezon City 1st District Representative re-electionist Arjo Atayde sa kanyang State of the District Address (SODA) na ginanap last Monday sa SM North Skydome.

Naging napakaganda kasi ng pagtanggap at suporta ng mga tao sa kanyang pagpasok sa pulitika kaya naman naging maganda rin ang kanyang performance sa kanyang distrito.

Napaiyak ang aktor/pulitiko habang nagpapasalamat sa suportang natatanggap niya mula sa kanyang constituents at mga kasamahan na rin mula sa pulitika at showbiz industry. Kasama na rin rito of course ang kanyang pamilya at misis na si Maine Mendoza.

Sa loob ng tatlong taong pag-upo ng first time public servant, nakakabilib na napakarami niyang nagawa sa kanyang distrito. Una na nga rito ang kanyang signature program na Aksyon Agad na napakaraming natulungan.

“Sa bawat pisong inilalaan ng gobyerno para sa ating distrito, sinisigurado nating walang nasasayang—lahat ay napupunta sa programang direktang makakatulong sa inyo.

“Public service is not about grand gestures or sweet words—ito ay ang mabilis, epektibo, at tunay na pagtugon sa pangangailangan ng tao… Projects or numbers are not at the core of Aksyon Agad, kundi ang bawat taong natulungan at bawat pamilyang naiangat.”

Sa huli ay nangako si Arjo na lalo pa siyang magsusumikap sa mga darating na araw bilang pasasalamat sa tiwalang ibinigay sa kanya.

Samantala, bilang pagsuporta ay dumalo rin sa SODA ni Arjo ang alkalde ng Quezon City na si Mayor Joy Belmonte.

Aga, proud kay Andres!

Proud daddy si Aga Muhlach para sa kanyang anak na si Andres Muhlach who bagged the Best New Male TV Personality at the 38th PMPC Star Awards for Television held last Sunday at the ABS-CBN’s Dolphy Theater.

Nagwagi si Andres para sa first TV show niyang Da Pers Family ng TV5.

Ibinahagi ni Aga sa Instagram ang mga larawan ni Andres mula sa naturang awards night at dito pa lang ay ramdam na ramdam mo ang kasiyahan niya sa achievement ng anak.

“Blessings coming your way, son. Keep up the good work. God be with you always. Always remember, His plans not ours. Congratulations!!! Proud of you! Love you, man!” mensahe niya kay Andres.

Hindi lang siya sa kanyang anak na lalaki proud kundi maging sa daughter din niyang si Atasha Muhlach na nakatakda namang magbida sa isang pelikula.

Ayon kay Aga, naiiyak daw siya sa tuwa sa kanyang kambal na anak.

“And to you as well my dear daughter! Continue to do good work. Proud of you both! Love you Tash! Grabe kayong dalawa! Naiiyak ako sa tuwa! Continue to spread love and kindness!” ani Aga.

Nag-post din ang ina ni Andres na si Charlene Gonzalez at proud na ibinahagi naman ang video ng winning moment ng anak.

 Samantala, sa acceptance speech ni Andres ay binanggit din niya ang kanyang ama na siyang inspirasyon niya as well as his whole family at nagpasalamat for supporting him.

ARJO ATAYDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with