Dustin Yu, hawak ang mga sikreto ni David
Very proud si David Licauco sa nangyayari sa kanyang close friend na si Dustin Yu sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.
Ayon sa bida ng pelikulang Samahan Ng Mga Makasalanan, nagkita pa raw sila ni Dustin bago ito pumasok sa Bahay ni Kuya.
“I just got back from Australia. So, nagkita pa kami ni Dustin. Si Dustin kasi ‘yung pinaka-close ko when we did Mano Po Legacy: The Family Fortune in 2022. So, everyday ko siya kausap. Big adjustment for me, na wala siya. Lahat ng sikreto ko, alam niya at lahat ng sikreto niya, alam ko,” sey ni David na sa teleserye na Pulang Araw niya huling nakasama si Dustin.
Isang payo niya kay Dustin bilang kuya: “Sabi ko lang na, I think your objective should be to help everyone.”
Anyway, sa April 19, Black Saturday, ipapalabas ang satirical comedy na Samahan Ng Mga Makasalanan na tungkol sa pagbabago at pagkakaroon ng tiwala sa Panginoon.
Pa-throwback, Richard nilinaw ang panliligaw kay Lea
Nilinaw ng ‘80s OPM singer na si Richard Reynoso ang tungkol sa panliligaw raw niya noon kay Lea Salonga.
Nabalita ito bago pa nagbida si Lea bilang Kim sa Miss Saigon kunsaan nanalo ito ng Laurence Olivier award sa West End at Tony Award on Broadway.
Paliwanag ni Richard: “We were very very good friends. The problem was, when I was interested already to make that next step, may nag-interview sa akin who misquoted me na nasira ‘yung relationship.”
May tumawag daw kay Richard noon para interbyuhin siya, at tinanong kung nanliligaw ba siya kay Lea. “Ang sagot ko was, ‘Hindi pa. Tinatapos ko lang ‘yung pag-aaral ko.’ Ang lumabas sa dyaryo, ‘Richard Reynoso hindi type si Lea Salonga.’ I wasn’t given a chance. Wala akong pagkakataon para i-defend ‘yun.”
Nawalan din siya ng pagkakataong magpaliwanag kay Lea dahil paalis na ito noon para sa Miss Saigon.
Pero dumating din daw ang chance na magkausap sila at nakakuha na sila ng closure sa issue.
TLOU actor Pedro Pascal, itinanggi ang relasyon kay Jennifer
Dine-date raw ngayon ni Jennifer Aniston ang Chilean-American actor na si Pedro Pascal.
Nakunan kasi ang Friends star na kasama si Pascal at nag-dinner sila sa isang intimate restaurant sa West Hollywood.
Paglilinaw ng The Last of Us actor: “I’m sorry, it was just a simple meal. We’re friends and we went to dinner with mutual friends.”
Inamin niya na gusto niya sanang makasama si Jennifer sa season 2 ng The Last of Us. In exchange, magge-guest siya sa series nito na The Morning Show.
Na-link din romantically si Pascal sa mga aktres na sina Robin Tunney, Lena Headey and Maria Dizzia.
- Latest