Baguhang aktor, sikat na ang lebel sa kampanya
Nagtatanungan ang mga botante sa isang probinsiya sa South kung sino ‘yung isang ‘di nila masyadong kilala na kahilera ng sikat na performers na mapapanood sa proclamation rally ng isang malaking kandidato.
Naging artista naman sa ilang pelikula ang baguhang aktor pero support lang at ‘di masyadong mahaba ang papel.
Eh may tsismis sa showbiz na accla killer ang baguhan. Baka nakagawa ng paraan para maisama sa performers dahil ang organizer ng event eh isang acclang malapit sa kanya, huh!
After all, malaking exposure ang makukuha ng baguhang aktor sa pagsama niya sa proclamation rally, huh!
SNMM, ibinida ang Ilocos
Visible si former Ilocos Sur governor Chavit Singson sa mediacon ng GMA Pictures na Samahan Ng Mga Makasalanan.
Eh co-producer pala siya ng pelikula na bahagi ng movie eh kinunan sa sikat na Crisologo sa Vigan sa nakapasyal na roon, huh!
Ayon kay Chavit, nang mabasa niya ang kuwento ng movie, nagustuhan niya ito kaya naman nagbigay siya ng go signal upang maging bahagi nito.
Bida sa movie sina David Licauco, Sanya Lopez, Buboy Villar at marami pang iba mula sa direksyon ni Benedict Mique at mapapanood sa April 19, Black Saturday.
Satire ang movie kaya huwag maging epal sa pagkakagawa!
- Latest