Carla, gamit na naman ang kamay sa bagong pinagkakaabalahan
Habang hindi pa abala sa taping ng bagong teleserye, nag-take up ng pottery making si Carla Abellana.
Nahilig daw ang Kapuso leading lady sa handmade crafts.
Dagdag ito sa iba pang hobbies ni Carla na soap and candle making. Gusto raw niya na gumawa ng mga bagay gamit ang kanyang mga kamay.
Ang mga nagawa niya ay ipinapangregalo niya sa mga kamag-anak at mga kaibigan.
Samantala, magiging available na sa Netflix ang hit murder-mystery drama na Widows’ War na pinagbidahan nila ni Bea Alonzo simula sa April 16.
American actor na naglantad na gay, pumanaw na!
Pumanaw na sa edad na 90 ang American actor-singer na si Richard Chamberlain. Sa Waimanalo, Hawaii namayapa ang aktor dahil sa “complications following a stroke” noong March 29.
Sumikat bilang teen idol noong ‘60s si Richard dahil sa medical drama series na Dr. Kildare. Naging “King of the Mini-Series” ang aktor noong ‘70s and ‘80s dahil sa mga pinagbidahan niya na Centennial, at sa Golden Globe Award-winning roles niya sa Shogun at The Thorn Birds.
Ilan sa mga pelikulang nagawa niya ay Petulia, The Three Musketeers, The Towering Inferno, The Music Lovers, at marami pang iba.
In 2003 ay inamin ni Richard na siya ay matagal ng gay at sinulat niya ito sa kanyang autobiography na Shattered Love: A Memoir.
- Latest