^

PSN Opinyon

Pag-iimbestiga ni Senator Imee

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NOONG nakaraang linggo, nagpatawag ng Senate hearing si Sen. Imee Marcos na may kaugnayan sa pag-aresto at pag­biyahe kay dating President Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands makaraang silbihan ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) sa kasong crime against humanity.

Para kay Senator Imee, illegal ang pag-aresto kay Tatay Digong at panghihmasok sa ating seberanya. Maraming gustong malaman si Senator Imee sapagkat para sa kanya nalabag ang karapatan ni Tatay Digong.

Kabilang sa mga inimbitahan sa pagdinig ng komite ni Senator Imee ay sina DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla, DILG Sec. Jonvic Remulla, Defense Sec. Gibo Teodoro, National Security Adviser Eduardo Año, PNP chief Gen. Rommel Marbil, CIDG chief Nicolas Torre III at marami pa.

Sabi ni Senator Imee, mayroon daw lantad na paglabag sa mga karapatan ni Tatay Digong. Wala rin daw inilabas na warrant mula sa Philippine court. Ang pag-aresto ay hindi raw pasok sa mga eksepsiyon ng warrantless arrest. Pag­labag daw ito sa Konstitusyon para sa kalayaan at due process.

Maraming supporters ni Tatay Digong ang natuwa sa naging hakbang ni Sen. Imee. Subalit hindi naman ito nagustuhan ng kanyang kapatid na si PBBM. Sa political campaign ng mga kandidato ni PBBM sa Cavite, hindi nito binanggit ang pangalan ni Senator Imee.

Pero para kay dating Presidential legal counsel ni Tatay Digong na si Atty. Salvador Panelo, nakikisawsaw si Senator­ Imee Marcos sa kalungkutan ng supporters ng dating Pre­sidente dahil sa pagkaaresto rito.

Sa tingin ko, mukhang nasira na ang mga pinagpapa­guran ng mga kandidato ni PBBM sa pagtiwalag ni Senator Imee sa partidong itinatatag ng kanyang kapatid.

Palagay ko, umpisa na ito nang paghihiwalay ng mga magkakadugo dahil sa pagkakaroon ng kanya-kanyang pananaw matapos arestuhin si Tatay Digong at ibiyahe sa headquarters ng ICC.

Samantala, nang magdiwang ng 80th birthday si Tatay Digong noong Marso 28 ay kaliwa’t kanan ang mga ginawang selebrasyon sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. At pati sa mismong harapan ng ICC detention facility sa The Hague ay maraming Pinoy ang “nag-picnic”. Ayon sa nalaman kong balita, nagrereklamo na ang mga residenteng malapit sa detention facility. Residential areas kasi ang lugar na kinaroroonan ng ICC headquarters. Naiingayan na umano ang mga residente sa ginagawang pagtitipon ng mga Pinoy.

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with