^

Pang Movies

Ashley, biglang nakilala

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ashley, biglang nakilala
Ashley Ortega
STAR/ File

 Bongga si Ashley Ortega, biglang na­kilala paglabas ng Pinoy Big Brother house.

Kaya naman daw ramdam niya ang pagmamahal ng mga sumuporta sa kanya sa loob ng #PBBCelebrityCollabEdition house!

At bilang pasasalamat, nag-upload si Ashley ng isang espesyal na video para sa kanyang mga supporters.

Sa video, ipinahayag ni Ashley ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga hindi tumigil na sumuporta sa kanya.

Pero naloka lang ako na hindi pala sila nag-uusap ng kanyang ina.

Ba’t kaya?

Mahirap ang ganun na hindi mo kasundo ang iyong ina.

Kahit siguro anong sama ng loob mo, hindi dapat tumagal nang ganun ang hindi nila pag-uusap ng nanay niya.

Umalis daw siya sa kanila na kinasama ng loob ng kanyang nanay.

Pero ayaw daw niyang lumaki na may hatred.

Naipon daw ang samaan ng loob nila hanggang nawalan na sila ng komunikasyon.

At nakatulong daw naman ang nasabing alitan nila para maging malalim siyang aktres.

Kaloka, talbog pa ang teleserye na napapanood ko.

ASHLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->