^

Pang Movies

Robin, pinag-interesan ng Chinese produ

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Robin, pinag-interesan ng Chinese produ
Robin Padilla.
STAR/ File

Salamat naman at may mga producer pa rin na talagang interesadong mamuhunan sa paggawa ng pelikula.

Nabanggit ng dating producer na si Atty. Raul Lambino, na tuloy ang binabalak nilang pelikula na pagbibidahan ni Sen. Robin Padilla. Na isang historial movie. Bahagi aniya ng kasaysayan ng ating bayan ang pelikulang ito.

Aniya nang makausap namin siya last week sa Kamuning Pandesal Forum : “Tumutulong ako to convince some Filipinos [who] would like to invest into this worthy project, which I believe is not only historical, sa atin, [at] para na rin sa kaalaman ng lahat ng Pilipino na ganito na katagal ang ating maayos na relasyon sa China at Asya,” umpisa niya.

“Hindi lamang sa China, [ngunit] pati na rin sa Japan, mayroon tayong mga records na mayroon tayong ugnayan sa Japan very much earlier than the Americans and Spaniards. So, iyan sana ang mga gusto nating maintindihan, na magkaroon na talaga tayo ng tunay na Asian identity.”

Obserbasyon niya “Naroon ang tinatawag nating colonial Mentality na nananatili. We don’t realize, our Asian brothers [like] Indonesia, Malaysia, Thailand, Vietnam, they are very proud to be called Asians. Sana ganoon na rin ang pag-iisip ng mga Pilipino,” pagbabahagi pa niya sa kapirasong nakaraan sa ating bayan.

Kaya naman malaking pelikula aniya ito at kailangan ng malaking puhunan para mas mapaganda.

“Para kasing kailangan [na] collaborative effort. Hindi naman p’wede na Pilipino producer lang ‘yan. It has to be both Filipino and Chinese producers. At pumunta naman sila rito sa Pilipinas at [naging] maganda naman ‘yong initial na usapan. Naglabas pa sila ng apat na Chinese films, na libre [at] ipinalabas sa Newport World Resorts. Part ‘yan ng aming program to promote cultural exchanges between [the] Philippines and China.”

Pero idiniin niyang walang halong pulitika ang nasabing pelikula kahit na nga kumakandidato siyang senador na kabilang si Robin sa nag-encourage na kumandidato siya sa ilalim ng partido ni former President Rodrigo Duterte na kasalukuyang na The Hauge, Netherlands.

“Walang politika rito. Hindi namin pinag-uusapan ‘yong hidwaan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea. And then, [naisip namin na, ‘sana ma-produce uli natin ‘yong buhay ni Sultan Paduka Pahala. Humiling naman ‘yong mga Chinese producers to go for it. So they invite—tinanong kami kung sino ang aming ire-recommend. Sabi namin, ‘[we] don’t see anybody who could play, who could best portray Sultan Duka Pahala but Robin Padilla.’ Not because he [is] a senator, but because he is a very good actor and at the same time, he is a Muslim. At alam niya na [ma]re-relate niya agad ‘yan.”

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with