Bong Go solido sa iba-ibang survey
MANILA, Philippines — Dahil sa solidong pagtitiwala at suporta na ibinibigay sa kanya ng taumbayan na ipinapakita sa iba’t ibang independent survey, inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na ipagpapatuloy niya ang pakikipaglaban o pagsusulong ng interes at kapakanan ng mga Pilipino, lalo ng mahihirap.
Si Go ay nananatiling matatag sa kanyang puwesto bilang isa sa frontrunner ng 2025 senatorial race, matapos siyang manguna sa pinakabagong Pulse Asia survey at mamantina ang pagiging isa sa “top choice” sa iba pang independent polls.
Sa Pulse Asia na isinagawa mula February 20-26, umakyat sa unahan si Go sa nakuha niyang 58.1% voter support—ang kanyang highest rating sa ngayon sa campaign cycle. Nagmarka ito ng malaki niyang pagtalon mula 50.4% noong January, kung saan ay nasa 2nd hanggang 3rd spot siya.
Umakyat din si Go sa February 15-19 survey ng Social Weather Stations (SWS) na nakaseguro ng ikalawang puwesto (38%), isang malaking improvement mula sa third-to-fourth place ranking noong January (37%) at December 2024 (32%).
Sa pinakabagong OCTA Research survey noong February 22-28, kumubra ng 62% si Go para sa ikalawang puwesto.
Sa Tangere pre-election poll nitong March 11 to 14, si Go ay statistically tied sa top spot sa nakubrang 54% voter preference.
Kaya naman labis ang pasasalamat ni Go sa taumbayan sa ibinibigay sa kanyang suporta at pagtitiwala.
- Latest