^

Bansa

Sen. Bato magtatago na lang, ‘di susuko sa ICC

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Sen. Bato magtatago na lang, �di susuko sa ICC
Senator Ronald “Bato” dela Rosa answers questions from the media during a press conference at the Senate in Pasay City on September 18, 2024.
STAR/ Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Walang balak si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na sumuko o magpahuli at sa halip ay magtatago na lamang sakaling ­magpalabas na ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban sa kanya.

Ipinunto ni dela Rosa ang kawalan ng hustisya sa bansa kaya walang dahilan para isuko ang sarili.

“Well, kung wala tayong makita na hustisya dito sa ating bansa, bakit ka susuko? ‘Di ba?” ani dela Rosa sa mga mamamahayag.

Nang tanungin kung balak niyang magtago sa mga awtoridad, ­inamin ni dela Rosa na kasama ito sa kanyang plano.

“Kasama ‘yan, kasama ‘yan. Kasama ‘yan sa courses of action natin,” ani dela Rosa.

Nauna rito, inihayag ni dela Rosa na handa siyang magpaaresto upang madala rin sa The Hague, Netherlands at maalagaan sa detention facility ng ICC si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nahaharap sa kasong “crimes against humanity”.

“I am ready to join the old man hoping that they would allow me to take care of him,” wika niya isang araw matapos maaresto si Duterte. Si dela Rosa ang dating hepe ng PNP noong ipatupad ang madugong war on drugs ni Duterte.

Kabilang din sa ­balak ni dela Rosa ang magpakupkop sa Senado lalo pa’t tiniyak sa kanya ni Senate President Francis Escudero na hindi siya maaaring arestuhin sa loob ng Senado habang may sesyon.

RONALD “BATO” DELA ROSA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->