Pag-freeze sa assets ni FPRRD bahala AMLC

MANILA, Philippines — Ipapaubaya ng Malakanyang sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang pag-freeze ng assets ni dating pangulong Rodrigo Duterte sakaling hilingin ito ng International Criminal Court (ICC).
Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na dapat aniya ay noon pa inaral ng AMLC kung dapat i-freeze ang assets ni dating pangulong Duterte dahil ang kaso niya ay plunder.
Subalit ngayon, kung magbibigay aniya ng kautusan ang ICC ay ibibigay ito ng Malakanyang sa AMLC kung kinakailangan.
Bagamat wala na rin aniya sa hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas ay wala namang sinisino ang AMLC at dapat na ibigay kung anong dapat na maibigay na hustisya.
“But if there’s a need for that; ang AMLC walang sinisino. So, kung kinakailangan po para po mabigyan ng reparation, damages kung sinumang ang masasabing nabiktima then kailangan pong ibigay ang hustisya,” giit pa ni Castro.
- Latest