Abalos, pasok sa Magic 12 ng kabataan

MANILA, Philippines — Kabilang si dating Interior Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos Jr. sa Magic 12 na iboboto ng mga kabataan na sumagot sa election survey ng Centre for Student Initiatives (CSI).
Nakakuha si Abalos ng 26.92% sa online botohan na isinagawa mula Pebrero 25 - Marso 11, na may 1,200 estudyanteng respondents mula sa Cagayan hanggang sa Lanao del Norte.
Ang CSI ay isang malayang institusyong pinamumunuan ng kabataan at itinutuon sa pananaliksik para sa mga solusyong pangkaunlaran sa edukasyon.
Matatandaan na naging mayor ng Mandaluyong si Abalos kung saan pinangunahan niya ang urban development ng lungsod na nagbunsod sa pagkilala nito bilang “Tiger City of the Philippines.”
Isinulong niya ang mga proyektong pabahay na nagbigay ng land titles sa may 7,700 pamilya. Ipinatupad niya rin ang Project TEACH, isang programa para sa mga batang may kapansanan na kinilala ng United Nations Public Service Award.
Bilang dating chairman ng MMDA, naging susi siya sa epektibong pagtugon sa pandemya sa Metro Manila.
Nang maupo bilang Kalihim ng DILG, ipinagpatuloy niya ang kanyang adbokasiya sa mas episyenteng pamamahala at pagpapatibay ng peace and order.
Isa rin siya sa mga nanguna sa matagumpay na pag-aresto kina Pastor Apollo Quiboloy, dating Bamban Mayor Alice Guo, at ang notorious child sex trafficker na si Teddy Mejia.
- Latest