^

Bansa

Samchan president, inalis sa plunder vs Romualdez

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Samchan president, inalis sa plunder vs Romualdez
Sa 11-pahinang resolusyon, inaprubahan ng anti-graft court ang amended information na nagtatanggal kay Guevarra sa kaso.
STAR / File

MANILA, Philippines — Inalis na ng Sandiganbayan Third Division bilang kapwa akusado sa kasong plunder si Samchan Foreign Exchange Corp. President Felicito Guevarra, na magbibigay-daan upang tumestigo siya laban kay detained Leyte Rep. Martin Romualdez.

Sa 11-pahinang resolusyon, inaprubahan ng anti-graft court ang amended information na nagtatanggal kay Guevarra sa kaso. Dahil dito, ihaharap na siya ng prosekusyon bilang testigo sa nagpapatuloy na bail hearing ni Romualdez.

Nauna nang sumuko si Guevarra sa National Bureau of Investigation (NBI) at binigyan ng conditional immunity matapos sabihin ng Office of the Ombudsman na mahalaga ang kanyang testimonya at mga rekord sa pagpapatibay ng kaso.

Kabilang sa mga kondisyon ng kasunduan ang kanyang buong pakikipagtulungan sa imbestigasyon, pagsusuko ng mga rekord at devices ng Samchan, at pananatili sa Pilipinas sa ilalim ng proteksiyon ng Department of Justice (DOJ).

Pinayagan din ng korte na manatili si Guevarra sa kustodiya ng NBI habang hinihintay ang kanyang aplikasyon sa Witness Protection Program ng DOJ dahil sa mga bantang kinahaharap niya.

Ang kasong plunder laban kay Romualdez ay may kaugnayan sa umano’y P7.4-bilyong kickback mula sa mga proyekto ng pamahalaan.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with