^

Bansa

Matinding epekto ng Super El Niño, tatama sa 2027

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Matinding epekto ng Super El Niño, tatama sa 2027
Ayon kay PAGASA Assistant Weather Services Chief Rosalie Pagulayan, hindi lamang sa rurok o pinakamalakas na yugto nararamdaman ang epekto ng Super El Niño.
Pixabay / BlackSalmon

MANILA, Philippines — Posibleng magdulot ng matinding epekto sa bansa ang mabagal na pagsisimula o “slow onset” ng Super El Niño pagsapit ng Pebrero o Marso 2027, ayon sa PAGASA.

Ayon kay PAGASA Assistant Weather Services Chief Rosalie Pagulayan, hindi lamang sa rurok o pinakamalakas na yugto nararamdaman ang epekto ng Super El Niño.

“May tinatawag tayong slow onset o lag time bago maranasan ang peak impacts ng El Niño,” paliwanag ni Pagulayan.

Aniya, maaaring maabot ng Super El Niño ang rurok nito ngayong Disyembre. Gayunman, posibleng magpatuloy ang El Niño hanggang unang quarter ng 2027, habang ang mga epekto nito ay maaaring umabot hanggang unang kalahati ng taon.

Batay sa datos ng PAGASA, inaasahang mas mababa sa normal ang dami ng pag-ulan pagsapit ng Pebrero at Marso 2027.

Binigyang-diin ni Pagulayan na sa kasagsagan ng epekto ng Super El Niño, maaaring makaranas ang bansa ng matinding init, kakulangan sa pag-ulan at pagbaba ng suplay ng tubig.

Dahil dito, hinikayat niya ang publiko na magtipid sa paggamit ng tubig at mag-imbak nito upang may magamit sakaling magkaroon ng kakulangan sa suplay.

EL NIñO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with