^

Bansa

Pondo sa ASEAN Creative Hub, dagdagan - Benitez

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan si Negros Occidental 3rd District Rep. Javier Miguel “Javi” Benitez na dagdagan ang pondo para sa ASEAN Center of Excellence for Creative Industries (ACE-CI) matapos italaga ang Pilipinas bilang punong-abala ng naturang sentro.

Ayon kay Benitez, chairman ng House Special Committee on Creative Industries, malaking­ oportunidad ito para mapalakas ang creative sector ng bansa at mapalawak ang kooperasyon ng mga bansang miyembro ng ASEAN sa pananaliksik, pagbuo ng polisiya, pagsasanay at pagpapaunlad ng industriya.

Pinagtibay ng mga ­lider ng ASEAN ang deklarasyon na nagtatakda sa Pilipinas bilang host ng ACE-CI sa katatapos na ASEAN Summit.

Binanggit din ni Benitez na umabot sa P2.12 trilyon ang ambag ng creative economy sa ekonomiya ng bansa noong nakaraang taon at nakapagbigay ito ng trabaho sa 8.7 milyong Pilipino.

Gayunman, aniya, hindi pa rin sapat ang suportang natatanggap ng sektor. Aniya, P50 milyon lamang ang inilaan sa Malikhaing Pinoy Program ng Department of Trade and Industry para sa kasalukuyang taon.

“We do the work well, but we own too little of what comes out of it,” ani Benitez.

Hiniling din ng kongresista na tiyaking hindi lamang sa Metro Manila mararamdaman ang benepisyo ng bagong ASEAN center kundi maging sa iba pang creative hubs sa mga rehiyon gaya ng Baguio, Naga, Iloilo, Tacloban, Cagayan de Oro at Zamboanga.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with