^

Bansa

Testigo napilitang pumirma para mailabas ‘pork’ ni Jinggoy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Testigo napilitang pumirma para mailabas ‘pork’ ni Jinggoy
Sen.Jinggoy Estrada leaves the Sandiganbayan in Quezon City after attending his scheduled arraignment on the graft case filed against him at the Sandiganbayan in Quezon City on June 2, 2026.
STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Inamin ng isang testigo sa graft case ni Senador Jinggoy Estrada na napilitan siyang lumagda sa mga disbursement voucher para sa pagpapalabas ng pork barrel o Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mambabatas dahil sa pangambang maapektuhan o mawala ang kanyang trabaho.

Sa pagharap sa Sandiganbayan Fifth Division, sinabi ni Sofia Cruz, dating chief financial specialist ng National Livelihood Development Corp. (NLDC), na nilagdaan niya ang mga voucher alinsunod sa utos ng kanyang superior na si Evelyn Sucgang.

Ayon sa prosekusyon, lumagda si Cruz sa mga dokumento kahit nakatalaga sa ibang empleyado na si Lolita ang naturang tungkulin. Aniya, napilitan siyang sumunod dahil nangangamba siya sa posibleng maging epekto nito sa kanyang trabaho.

Ang NLDC ay isang government-owned corporation na sinasabing ginamit bilang daluyan ng PDAF funds patungo sa mga foundation na iniuugnay kay Janet Lim-Napoles.

Sa kanyang testimonya, sinabi rin ni Cruz na bagama’t may mga pagkakataong naaprubahan ang mga voucher kahit wala ang kanyang lagda, hindi ito karaniwang nangyayari.

Samantala, nagkasundo ang prosekusyon at depensa na kumpirmahing hindi kailanman nakipagkita o nakipag-usap si Cruz kay Estrada o sa dating chief of staff nito na si Pauline Labayen hinggil sa mga proyektong saklaw ng kaso.

Nahaharap si Estrada sa 11 bilang ng graft at isang kasong plunder kaugnay ng umano’y P183 milyong PDAF allocations mula 2004 hanggang 2010.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with