^

Bansa

Duterte nasa hospital facility ng Hague Penitentiary

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Kinumpirma mismo ni Vice President Sara Duterte na ang kanyang amang si dating Pang. Rodrigo Duterte ay kasalukuyang nananatili sa hospital facility ng The Hague Penitentiary Institution.

Sinabi ni VP Sara na kumportable naman ang kanyang ama sa loob ng pasilidad sa kabila ng malamig na temperatura sa The Hague.

Dagdag pa niya, hawak na ng mga doktor doon ang rekord ng ­dating pangulo, gayundin ang listahan ng kanyang mga gamot.

Paglilinaw naman niya, hindi niya nakita ang quarters ng ama, gayunman, sinabi umano nito sa kanya na para siyang nasa hotel, ngunit hindi lamang maaaring lumabas.

“Ang sinabi niya sa akin, ‘Para akong nasa hotel except hindi ako makalabas,” ani VP Sara.

Dagdag pa ng bise presidente, ­“I have to tell you: he is charming ­everyone inside. It’s his style, eh. He’s very friendly with people inside. Mayroon na silang banter.”

Ayon pa kay VP Sara, walang anumang pinagsisisihan ang dating pangulo dahil ang lahat ng ginawa niya ay ginawa niya para sa bayan.

Ayos lamang din umano sa ama na doon na muna tumira dahil wala rin naman umano siyang ginagawa sa labas dahil hindi pa naman umano siya nakakabalik sa pagiging alkalde ng Davao City.

“Sabi niya, wala rin naman daw siyang ginagawa sa labas kasi hindi pa naman daw siya mayor. So, might as well tumira na raw muna siya sa loob,” ani VP Sara.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with