^

Probinsiya

3 sundalo sugatan sa Negros encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
3 sundalo sugatan sa Negros encounter
Toboso, Negros Occidental
Wikipedia photo

MANILA, Philippines — Tatlong sundalo ang nasugatan makaraang makasagupa ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa isang liblib na lugar sa Brgy. Gen. Luna, Toboso, Negros Occidental nitong Martes.

Sa report, sinabi ni Col. Erwin Rommel Lamzon, Spokesman ng Army’s 3rd Infantry Division, nakasagupa ng tropa ng Army’s 79th Infantry Battalion (IB) ang grupo ng mga rebeldeng NPA sa nasabing lugar.

Ayon kay Lamzon, ang naturang grupo ng mga rebelde ay mula sa nalalabing puwersa ng Northern Negros Front Komiteng Rehiyon na kumikilos sa Negros, Cebu, Bohol, Siquijor.

Sinabi ni Lamzon na nagresponde ang mga sundalo sa napaulat na presensya ng naturang grupo ng mga rebelde na nauwi sa bakbakan ng magkabilang panig.

Ang palitan ng putok ay tumagal ng 16 minuto na ikinasugat ng tatlong sundalo na mabilis na isinugod sa pagamutan. Pinaniniwalaan namang may mga casualties din ang mga kalaban base sa mga patak ng dugo sa lugar na dinaanan nila sa pagtakas.

Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang M16 rifle, isang caliber .38 revolver, magazine ng M16 at AK 47, mga bala, mga subersibong dokumento na may mataas na intelligence value at mga subersibong dokumento na may mataas na intelligence values gayundin ang mga personal na kagamitan.

NPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with