Lalaki napana sarili sa panghuhuli ng alimango, dedo
March 21, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Isang lalaki ang nasawi matapos niyang aksidenteng mapana ang sarili sa mata sa Dumaguete City, Negros Oriental.
Sa ulat ng pulisya, sinabing nanghuhuli ng alimango ang biktima nang madulas siya at mapana ang sariling mata.
Ayon sa kasama ng biktima, nagawa pa nitong makapagsalita pero nawalan ng malay matapos hugutin ang pana at agad na dinala sa ospital.
Hindi naman makapaniwala ang mga magulang ng biktima sa sinapit ng anak. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended