^

Probinsiya

Mindanao military heads pinagtibay ang suporta sa bagong BARMM chief

Philstar.com
Mindanao military heads pinagtibay ang suporta sa bagong BARMM chief
This file photo shows the BARMM government complex in Cotabato City.
Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao FB Page

COTABATO CITY, Philippines — Nanindigan ang mga military head  sa Mindanao sa kanilang commitment na suportahan ang bagong chief ng  Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito’y kasunod ng pagtatalaga ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Abdularaof Macacua bilang bagong BARMM Interim Chief, kapalit ni  Ahod Ebrahim sa liderato ng rehiyon. 

Sa magkahiwalay na pahayag, pinagtibay nina 6th Infantry Division at Joint Task Force Commander Major General Donald Gumiran at Western Mindanao Command Commander Lieutenant General Antonio Nafarrete ang kanilang commitment na suportahan ang rule of law at ang chain of command hinggil sa presidential appointments.

Sa kanyang panig, nagpahayag ng kumpiyansa si Nafarrete na naghihintay ang magandang bukas sa ilalim ng liderato ni Macacua, sinabing ang mga pagbabagong ito ay krusyal na hakbang tungo sa pagkamit ng mga aspirasyon ng mga mamamayan ng Bangsamoro.

“As we move forward, we reaffirm our commitment to the Comprehensive Agreement on the Bangsamoro and the Bangsamoro Organic Law. We will continue to work together to build a peaceful and prosperous BARMM,” anang commander.

Samantala, binigyang-diin ni Gumiran ang kanilang suporta sa pagbabago ng liderato, na pinaniniwalaan niyang magreresulta sa mas matatag na Bangsamoro region.

“We remain ready to work hand-in-hand with the Bangsamoro Government, the Philippine National Police, and other key stakeholders to ensure the success of this leadership transition and the upcoming parliamentary elections… Sama-sama nating isulong ang kapayapaan, katarungan, at maayos na pamamahala sa Bangsamoro,” sabi ni Gumiran.

Nagpasalamat din ang dalawang lider kay Ebrahim para sa kanyang serbisyo, sinabing sa ilalim ng kanyang liderato, ang rehiyon ay umunlad at patuloy na uunlad sa ilalim ng bagong administrasyon.

Sa isang panayam, pinabulaanan ni dating  Maguindanao del Sur governor Esmael “Toto” Mangudadatu na may namumuong alitan sa Moro Islamic Liberation Fron (MILF), binigyang-diin na kinikilala ng lahat ng partido ang liderato ni Macacua.

Sinabi ni Mangudadatu na bagama’t may ilang indibidwal na maaaring may komento hinggil sa appointment ng bagong interim BARMM, walang kuwestiyon sa kapangyarihan ni Macacua sa MILF. 

“Siya ay tunay na bahagi ng samahan at nagpamalas ng progresibong liderato nang magsilbing governor ng Maguindanao del Norte bago ang kanyang bagong posisyon,” ani Mangudadatu.

BARMM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->