^

Probinsiya

5 campus ng Cavite State U, binulabog ng bomb threat

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
5 campus ng Cavite State U, binulabog ng bomb threat
An aerial shot of the Cavite State University shows its campus.
Cavite State University

CAVITE, Philippines — Sunud-sunod na binulabog ng bomb threat ang limang campus ng Cavite State University (CvSU), dito sa lalawigan, kamakalawa.

Takot at pagkabalisa ang naramdaman ng libu-libong estudyante at mga guro ng limang eskwelahan ng CvSU ng lalawigan matapos ang sunud-sunod na natanggap na bomb threat.

Batay sa report, unang natanggap ng CvSU main campus sa bayan ng Indang, ang bomb threat dakong alas-4:12 ng hapon.

Ayon kay Dr. Cristina Masibag-Signi, vice president ng CvSU main, nakatanggap siya ng email mula sa rem.delaantonio@gmail.com na naka-address sa lahat ng CvSU sa lalawigan ng Cavite.

“Magandang araw, bukas ay magkakaroon ng mga pagsabog sa lahat ng Satellite ng Cavite State University kabilang ang Main Campus. Kung nanaisin nyo na walang masaktan ay huwag nyo nang hayaang pumasok ang inyong mga mag-aaral o kaya naman ay ibigay nyo kung ano ang aming ninanais. Wala kaming sasabihing oras o petsa kung anong oras ang mga pagsabog. Kaya’t maging handa kayo sa mga mangyayari,” ayon sa mensahe.

Ang email na ito ay natanggap din ng CvSU ng Cavite City dakong alas-4:50 ng hapon, sa Bacoor CvSU ng alas-5:07 ng hapon, Carmona CvSU dakong alas-5:12 ng hapon at sa Silang CvSU ng alas-5:40 ng hapon.

Bunsod nito, pansamantalang isinailalim sa lockdown ang mga nasabing eskwelahan habang isinasagawa ang clearing inspection.

CAVITE STATE UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with