^

Probinsiya

Meat trader todas, ka-live in sugatan sa pananaksak; 1 sa 2 suspek timbog

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang meat trader ng kanyang kapwa mangangalakal at isang helper, habang sugatan ang kanyang live-in partner sa pag-atake ng kutsilyo sa Barangay Sto. Tomas, Calauan, Laguna, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Lt. Col. Jojo Sabiniano, hepe ng Calauan police, patay na ang biktimang si Marlon Evangelista nang matagpuan habang duguang nakahandusay sa lupa na may mga saksak sa katawan sa labas ng kanilang tirahan sa kahabaan ng main road sa National Housing Authority Site 3, dakong alas-2:30 ng madaling araw.

Ang live-in partner ni Evangelista na hindi pa tinukoy ang pangalan ay isinugod sa ospital dahil sa tinamo ring saksak sa katawan.

Ayon kay Sabiniano, isinasantabi ng mga probers ang naunang ulat ng pulisya tungkol sa kasong robbery with homicide matapos nilang malaman na buo at walang nawawala sa mga personal na kagamitan ng mga biktima kabilang ang mga cellphone, halaga ng pera at iba pang mahahalagang bagay sa loob ng kanilang bahay.

Sinabi ng mga saksi sa imbestigador na si Evangelista at dalawang suspek ay nag-iinuman bago inatake ng saksak ang mag-asawa. Isa sa mga suspek ay agad na naaresto sa hot pursuit operation sa mga katabing barangay matapos ang isang oras nang maganp ang krimen, habang ang isa pang suspek ay nakaiwas sa pagkakaaresto.

Ang nadakip na suspek na itinago ang pangalan ay umamin na umano sa krimen at sinabing intensyon lamang niyang bantaan at bugbugin ang biktima at hindi patayin.

LAGUNA

CALAUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->