^

Probinsiya

Babaeng natupok sa LSPU fire, isang biology student – PNP

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Kinumpirma kahapon ng pulisya na ang babaeng­ natagpuang patay noong Huwebes ng hapon ay isang 22-anyos na estudyante ng Bachelor of Science in Biology kasunod ng sunog sa Laguna State Polytechnic University College (LSPU) of Arts and Science sa Barangay Bubukal sa Santa Cruz, Laguna.

Ang mga labi ni Trisha Delos Santos Macalagay, dating Miss Paete Tourism candidate noong 2022, ay positibong kinilala ng mga magulang nang makuha ang bangkay nito ng mga rumespondeng bumbero sa sunog, ayon kay Lt. Col. Mark Julius Rebanal, hepe ng Santa Cruz Police Station.

Sinabi ni Rebanal na ang bangkay ni Macalagay ay agad na inangkin ng kanyang mga magulang at kaanak.

Si Macalagay ay malapit na umanong makalabas sa kanilang silid-aralan kasama ang mga kaklase, gayunpaman, bumalik umano siya sa laboratory room dahil may nakalimutan,” wika ni Rebanal sa ­telepono.

Hindi na nagawa pang makalabas ng biktima nang lumaki na ang apoy kaya pinalalagay na pumasok na lamang siya sa comfort room.

Natagpuan ang sunog na sunog na katawan ng biktima sa nasabing CR ng nasabing silid-aralan sa isinagawang mopping up operations ng awtoridad.

Magugunita na agad na iniulat ng pamunuan ng LSPU sa Bureau of Fire Protection ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali ng College of Art and Sciences dakong alas-12:50 ng tanghali.

LSPU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with