^

Probinsiya

7-anyos ni-rape, pinatay ng desperadong sekyu!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Nilunod sa batya, hinulog sa balon

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng isang 7-anyos na batang babae matapos hala­yin, pagbubugbugin, at pagsasaksakin ng isang desperadong security guard na kinalasan ng kinakasama saka inihulog ang bangkay nito sa lumang balon sa Brgy. Basag, Butuan City, Agusan del Norte nitong Sabado.

Sa report ng CARAGA Police, nag-iisa umano ang batang biktima na itinago sa pangalang Marisse sa kanilang tahanan at naglalaro nang pasukin ng suspect habang lasing na kinilalang si Dondon Acedo, 29 anyos, at ginahasa.

Lumalabas sa imbesigasyon na matapos isagawa ng suspek ang makamundong pagnanasa sa biktima ay tinangka nitong lunurin sa batya ang bata pero nagawa nitong makatakbo sa sagingan. Gayunman, hinabol ng suspect ang bata at nang maabutan ay pinasusuntok at pinagsasaksak hanggang sa mamatay. Hindi pa nakuntento, inihulog ang bangkay ng bata sa isang lumang balon sa lugar.

Nang umuwi ng kanilang tahanan ang pamilya ng bata ay nadiskubreng nawawala ang huli kaya siya hinanap sa paligid. Isa nilang kapitbahay nagsabi na nakita niya ang suspect na hu­ling kasama ng biktima, ­ilang oras bago nadiskubre ang bangkay nito.

Nabatid na ang ina ng biktima ay isang overseas Filipino worker (OFW) at tanging ang mga kapamilya nito ang nagbabantay sa bata.

Napag-alaman ng pulisya na desperado ang suspek kung kaya naglalasing matapos na hiwalayan umano ng kanyang live-in partner ng isa ring OFW.

AGUSAN DEL NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with