Online attacks sa ICC judge, makakaapekto kay Duterte

MANILA, Philippines — Posibleng maapektuhan ang kahilingan ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang mapalaya mula sa International Criminal Court (ICC) dahil sa pag-atake sa social media sa mga humahawak ng kaso ng mga tagasuporta ng dating presidente.
Sa pahayag ni ICC-Accredited lawyer Joel Butuyan sa online media forum ng Foreign Correspondent Association of the Philippines, maaaring makaapekto ito lalo na ang mga kilos protesta na nagpapakita ng suporta sa dating pangulo dahil nakikita ng mga judges na sobrang makapangyarihan ang pwersa ng kampo ni Duterte dahil hanggang sa ICC ay maaari silang i-bully, i-harass at tangkang magmanipula.
Matatandaan na matapos ang pagkakaaresto kay Duterte ay patuloy ang pagsasagawa ng kilos protesta sa Maynila at Davao City ng mga tagasuporta ng dating pangulo.
Samantala sa Facebook post nitong Linggo ni ICC Assistant to Counsel Kristina Conti, sinabi nito na ang mga harrasment ng mga tagasuporta ng dating panguo sa mga biktima ay maaaring magtulak sa ICC na ibasura ang kahilingan ng kampo ni Duterte na interim release at magpapalakas para ma-convict ito.
Paalala pa ni Conti, may panglimang kaso na niliitis sa ICC base sa Article 70 ng Rome Statute ito ay ang offenses laban sa administration of justice kaya dapat mag-ingat ang mga umaatake sa korte, sa prosecutor at sa judges dahil baka madagdagan pa ang kaso ni Duterte.
- Latest