^

PSN Opinyon

Medialdea rest ka muna

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Nakita ang loyalty ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea kay dating Presidente Rodrigo Duterte na nga­yo’y nililitis sa salang crimes against humanity sa The Hague. Isa siya sa mga abogadong kumakatawan bilang defense lawyer ni Duterte.

Pitumpu’t tatlong taong gulang na siya at dahil overweight, masasabing hindi na niya kaya ang matinding stress na kakaharapin niya. Hindi lang kasi basta inupahang abogado si Medialdea kundi malapit na kaibigan na naniniwalang walang kasalanan ang dating Presidente.

Isinugod siya sa pagamutan matapos makipagkita kay Duterte dahil sa sumama ang pakiramdam.

Hindi maiiwasan na sangkot sa gagawin niyang pagtatanggol ang kanyang emosyon at kung may ‘di mabuting heart condition ang tao, posibleng atakehin ito sa puso. Tutal, may mga nakuha ng de kalibreng defense lawyer si Duterte, mag-lay low na lang si Medialdea. Nakita na naman­ ni Duterte ang katapatan niya.

Sumisimpatya man tayo kay Duterte o hindi, huwag nating­ iwaksi ang damdaming makatao. Siyempre kaisa tayo sa hangaring magtamo ng katarungan ang mga naghihinagpis na magulang ng mga nadamay lang sa madugong war on drugs sa administrasyong Duterte.

Ang Korte na ang bahala magpasya diyan. Sama-sama na lang tayong manalangin that true justice will pre­vail. At kung ano man ang pinal na pasya ng korte, igalang natin ito at itigil na ang walang puknat na awayan, lalo na sa social media.

SALVADOR MEDIALDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with