^

Metro

Tagalog, Cebuano transcribers hanap ng ICC

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Tagalog, Cebuano transcribers hanap ng ICC
Undated photo shows facade of the International Criminal Court in the Hague, Netherlands.
File

MANILA, Philippines — Hindi pa man nahuhuli si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay naghahanap na ang Internatio­nal Criminal Court (ICC) ng mga transcribers na bihasa sa Tagalog/Filipino at Cebuano.

Sa website ng ICC, sa ilalim ng “vacancies” nakalagay na naghahanap ang Language Services Unit, Integrated Services Division, Office of the Prosecutor ng mga transcribers na ang haba ng kontrata ay ibabase sa “operational needs” ng ICC.

Matatandaan na nahuli ng ICC si Duterte noong Marso 11, 2025 dahil sa akusasyong krimen laban sa sangkatauhan kaugnay sa kanyang madugong kampanya laban sa ilegal na droga at agad itong dinala sa The Hague sa Netherlands.

Nagsimulang mag­hanap ng transcribers na magaling sa Tagalog/Filipino at Cebuano ang ICC hindi pa man nadadakip si Duterte noong Enero 28, 2025 at “open” o walang petsa ang deadline ng application.

Bagaman at hindi binanggit kung magkano ang magiging suweldo ng mga transcribers, nakalagay na ito ay “fixed rate” at “per work unit.”

Ang mga mapipiling freelance transcribers ay kailangang mabilis at “accurate” na makapag-transcribe mula sa audio o video recordings.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with