^

Metro

Murder, frustrated murder vs Quezon City cop

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Sinampahan na ng kasong murder at frustrated murder ang isang miyembro ng Quezon City Police na bumaril at nakapatay sa isang pickup driver sa naganap na insidente ng road rage sa Tandang Sora, Quezon City, ayon sa ulat nitong Sabado.

Ang kaso laban kay Executive Master Sergeant Randy Tuzon ay inihain sa Quezon City Prosecutor Office habang tiniyak naman ng QCPD na hindi nila kukunsintihin ang kanilang mga tauhan na nakakagawa ng pagkakasala sa batas.

Ang 42-anyos na biktima na nagmamaneho ng pickup truck ay idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan habang nasa kritikal namang kondisyon ang isang kamag-anak nito sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Samantalang ang tatlo pang kaanak ng mga biktima ay masu­werte namang hindi tinamaan ng bala sa nasabing insidente.

Base sa report ng Quezon City Police, ang insidente ay nangyari sa kahabaan ng Tandang Sora, Que­zon City noong Huwebes habang ang mga biktima ay patungo sana sa Marilao, Bulacan galing Antipolo City, Rizal nang  makainitan sa gitna ng trapiko ang isang van na minamaneho naman ng nasabing parak.

Sa tindi ng galit ng suspect ay bumaba ito sa van saka sinuntok ang driver ng pickup at inubos ang bala ng dala nitong baril sa biktima kung saan nadamay sa insidente ang kamag-anak nito. Matapos ito ay parang walang anumang lumisan sa lugar ang suspect.

Lumitaw naman sa isinagawang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives na pulis ang suspect na may ranggong Execuive Master Sergeant na inubos ang bala ng kaniyang baril sa nasabing pamamaril.

Ang suspect ay sumuko sa Batasan Police Station at itinurnover naman sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Unit sa Camp Karingal sa Quezon City.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with