^

Bansa

Panibagong P.50 oil price hike kinastigo ng Piston

-

Kinastigo ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang panibagong P.50 na pagta­taas sa presyo ng langis ng mga dambuhalang kum­panya ng krudo kung saan inaasahan rin na susunod ang mga “small players”.

Sinabi ni Piston secretary general George San Mateo na ikaanim na pag­taas na ng halaga sa diesel ang naganap ngayong taon kung saan umakyat na sa P35 kada litro ang halaga nito at P44 naman sa bawat litro ng gasoline na tiyak na magpapahirap sa mga tsuper at publiko.

Lumang tugtugin na umano ang katwiran na sanhi umano ng ‘oil hike’ ang pagtataas ng halaga ng langis sa ‘world market’. Pinalipas lamang umano ng mga kumpanya ng langis at ng pamahalaan ang SONA (State of the Nation Address) bago ilunsad ang su­nud-sunod na namang pag­tataas sa halaga ng gas. 

Iginiit rin ng grupo na iba­­sura na ng pamahalaan ang Oil Deregulation Law at ibalik na sa kontrol ng pa­ma­halaan ang pagtatakda sa presyo ng langis sa bansa upang mas maban­tayan nito ang kapakanan ng mama­ mayan. (Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

GEORGE SAN MATEO

IGINIIT

KINASTIGO

OIL DEREGULATION LAW

OPERATORS NATIONWIDE

PINAGKAISANG SAMAHAN

SHY

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with