^

Bansa

Bong Go sa brgy. officials: Ang tunay na paglilingkod ay paggawa ng tama

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  "Ang tunay na kahulugan ng paglilingkod ay ang paggawa ng tama sa anumang sitwasyon." Ito ang inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go sa harap ng mga opisyal ng barangay na nagtipon-tipon sa isang asembliya matapos niyang payuhan ang mga ito na pamunuan nang maayos at may malasakit ang kanilang mga nasasakupang komunidad tungo sa pag-unlad.

Bilang adopted son ng Pangasinan, sa harap ng mga pinuno ng barangay ng San Carlos City at Mangaldan na dumalo sa Liga ng mga Barangay assembly sa Baguio City, nangako si Go na patuloy ang kanyang suporta sa pagpapalakas sa mga opisyal ng barangay at pagpapabuti ng paghahatid ng serbisyo publiko sa grassroots.

At bilang nangungunang reelectionist sa sa darating na 2025 senatorial race, idiniin ni Go na kailangan ang gampanin ng mga pinuno ng barangay sa pagpapaunlad ng komunidad.

 Napakahalaga aniya ng kontribusyon ng mga ito sa paghubog ng matatag at tumutugong lokal na pamamahala dahil sila ang higit na pinagkakatiwalaan ng mga tao sa kanilang mga barangay. “Ang ganitong pagtitipon ay mahalaga hindi lamang para sa ating mga barangay leaders kundi pati na rin para sa pagpapalakas ng ating mga komunidad,” ayon kay Go.

Hinikayat niya ang mga lider ng barangay na patuloy na magsikap para sa kahusayan habang kanyang tiniyak sa kanila ang walang tigil niyang suporta, lalo kung bibigyan ng bagong mandato sa Senado. "Mula pa noong ako ay naglilingkod kasama si dating Pangulong Rodrigo Duterte, natutunan ko na ang tunay na kahulugan ng paglilingkod ay ang paggawa ng tama, anuman ang sitwasyon.

 Ang kanyang bilin na 'always do what is right' ay palaging umuukit sa aking puso at isipan sa tuwing ako ay nagseserbisyo para sa bayan," ang ibinahagi ng senador. Naging daan ang nasabing pagtitipon sa UTown Plaza sa mahigit 500 pinuno ng barangay, lokal na opisyal, at stakeholders ng komunidad upang pag-usapan ang mga estratehiya para sa pagpapabuti ng lokal na pamamahala.

Pinuri niya ang mga opisyal ng barangay sa Pangasinan at pinasalamatan din sa kanilang mabuting serbisyo sa mga nasasagupan, lalo sa pinakamahihirap. Bilang miyembro rin ng Senate committee on local government, binigyang-diin ni Go na mahalagang mabigyan ang mga opisyal ng barangay ng sapat na pondo, resources, at capacity-building programs.

Binanggit niya ang mga pangunahing hakbang sa lehislatura na kanyang sinuportahan upang maiangat ang kapakanan ng mga barangay at health workers.

Isa sa nag-akda at ispondor ng Republic Act No. 11462, ipinagpapaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections upang ang mga pinuno ng barangay ay mabigyan ng mahabang panahon na ipatupad ang kanilang mga programa. Inihain din ni Go ang Senate Bill No. 197 o ang Magna Carta for Barangay, na layong i-institutionalize ang dagdag benepisyo sa barangay officials, tulad ng mga regular na empleyado ng gobyerno, na may honoraria, insurance, at retirement benefits.

Isinulong din ni Go ang SBN 427, o ang Barangay Health Workers Compensation Act, na magbibigay ng makatarungang kompensasyon sa mga barangay health workers. Isa rin siya sa nagtulak ng SBN 2838, o ang Magna Carta of Barangay Health Workers (BHWs), na inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado noong Pebrero 3.

SENATOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with