Ogie, ngayon lang umulit ng masakit na kanta

Nailabas na ng Star Music kamakailan ang opisyal na lyric video ni Ogie Alcasid para sa kantang Hanggang Dito Na Lang Ba Tayo? Ngayon lamang daw muling nakapagsulat ng isang break-up song ang singer-songwriter pagkakalipas ng mahigit dalawang dekada. “2002, nagsulat ako ng kanta na ang title ay Kung Mawawala Ka. Sa aking pagkakaalam sa aking memory, ‘yan ang pinakahuling masakit na kantang nasulat ko tungkol sa paghihiwalay,” pagbabahagi ni Ogie.
Nagpapasalamat ang It’s Showtime host dahil sa magandang feedback na natatanggap mula sa netizens dahil sa bagong kanta. Para kay Ogie at marami ang nakare-relate sa mensahe nang kanyang naisulat na awit. “Ano bang nararamdaman mo ‘pag parang ‘yung relationship n’yo medyo going south? Ano bang nararamdaman mo ‘pag gusto mo pang kumapit pero ‘yung partner mo parang ayaw na? Hanggang dito na lang ba tayo? Isang tanong na siguro hindi mo alam kung gusto mong malaman ‘yung sagot sa tanong na ‘yon pero kailangan mong tanungin. Ginagawa mo ba ‘yon dahil gusto mong pigilin ‘yung sakit? Ginagawa mo ba ‘yon dahil mahal mo ‘yung tao? Ginagawa mo ba ‘yon dahil pagod ka na? Ginagawa mo ba ‘yon dahil mahal mo ‘yung tao? Ginagawa mo ba ‘yon dahil nakikita mong wala nang pag-asa ang relasyon n’yo?” pagdedetalye ng singer-songwriter.
Martin at Pops, intimate pa rin
Nanatiling magkaibigan sina Pops Fernandez at Martin Nievera kahit ilang dekada nang magkahiwalay. Maayos ang relasyon ng dating mag-asawa para na rin sa kanilang mga anak.
Mayroon na ring apo sina Martin at Pops mula sa panganay nilang anak na si Robin. “I think God put us together for a reason. And I don’t think just because you’re no longer wearing the (wedding) ring, or you’re no longer intimate, or because of some friction that happened, some really bad chapter in your life, that you’re no longer together, means you’re no longer connected,” makahulugang pahayag ni Martin sa YouTube channel ni Bernadette Sembrano.
Hanggang ngayon ay madalas pa ring nagkikita at nagkakasama sa mga trabaho ang dating mag-asawa. Maraming mga tagahanga nina Martin at Pops ang patuloy na sumusuporta sa mga proyekto ng dalawa. “God put us together for a reason and it also seems to be a reason for the public. We have a lot to be grateful for as a love team, an on-screen love team. So, we have to continue that. People are still hopeful, whether it’s going to happen even or not ever, whatever it is,” giit ng Concert King.
Ayon kay Martin ay marami pa ring mga tagahanga ang talagang kinikilig sa kanilang tambalan ni Pops. Matatandaang nagka-Valentine’s concert na Always & Forever ang dating mag-asawa noong nakaraang buwan. “What you see on stage, we have no script. They give us guidelines, we never follow it. We still have fights and arguments because we are still raising our kids from separate homes. So onstage and offstage, is really what you see. This friendship, this concern, this team, literally a team. The true meaning of what a love team, or a team filled with love should be,” paglalahad ng singer. — Reports from JCC
- Latest