National Land Use Act sagot sa food security - Abalos
MANILA, Philippines — Nangakong isusulong ni dating DILG Secretary at kandidato sa Senado na si Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang agarang pagpasa ng National Land Use Act bilang sagot sa food security.
Pinuna ni Abalos ang mabilis na pagkawala ng mga lupang sakahan dahil sa walang habas na urbanisasyon.
Binigyang-diin niya ang pangangailangan na magkaroon ng batas sa tamang paggamit ng lupa upang maiwasan ang mas matinding krisis sa pagkain.
“Importante ang food security sa ating bansa. Damang-dama natin ang epekto — presyo ng bigas, presyo ng palay, at ang sitwasyon sa ating mga palayan. Hindi lang ito problema ng Laguna, kundi ng buong Pilipinas,” ani Abalos.
Hinimok din ni Abalos ang mga lokal na pamahalaan na kumilos agad sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo sa mga may-ari ng lupa upang mapanatili ang kanilang mga lupang sakahan — tulad ng pagbawas ng amilyar (real property tax) sa agricultural land.
Kung bibigyan aniya ng dahilan na huwag ibenta ang lupa gaya ng tax discount ay mas mapoprotektahan natin ang pinagkukunan ng pagkain.
- Latest