^

Probinsiya

Kotse nag-dive sa bangin: 6 patay!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Kotse nag-dive sa bangin: 6 patay!
Wasak na wasak ang isang kotse nang maiangat mula sa malalim na bangin nang ito ay magpagulung-gulong at mag-dive na ikinasawi ng anim kabilang ang kanilang driver at dalawang paslit sa Malungon, Sarangani kahapon.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang anim katao kabilang ang dalawang bata matapos magpagulung-gulong ang kanilang sinasakyang kotse saka bumulusok sa malalim na bangin sa gilid ng highway sa Barangay Nagpan, Malungon, Sarangani nitong Biyernes.

Sa ulat ng Malungon Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMC) nitong Huwebes ng hapon, agad na nasawi sa naturang aksidente ang 34-anyos na driver ng Toyota Vios na si Jay-Ar Mandawan, at ang mga pasaherong sina Querubin Luchavez, 39; Ernesto Xicay, 59; ang 30-anyos na si Mary Ann Lupian at kanyang dalawang anak na sina Quirvie, 5-anyos, at Quizia (Lupian), 3-anyos.

Sa magkahiwalay na inisyal na ulat nitong Biyernes ng Malungon Municipal Police Station at Police Regional Office-12, malinaw na nagsiksikan sa kotse ang mga biktima na pauwi na sana sa Mati City sa Davao Oriental mula sa General Santos City kung saan mayroon silang dinalaw na mga kamag-anak.

May teorya ang mga barangay officials sa Nagpan at mga imbestigador ng Malungon MPS na posibleng lasing ang driver ng kotseng sangkot sa aksidente, gayun din ang iba pang sakay nito.

vuukle comment

SARANGANI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with