^

Metro

NHA, DA magkatuwang sa paglalapit ng murang pagkain sa mga Pabahay beneficiaries

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lumagda sa isang kasunduan sina National Housing Authority (NHA) General  Manager Joeben Tai at Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel   upang matiyak ang tuluy-tuloy na  suplay ng mga abot kayang  produktong agrikultural sa mga piling resettlement sites ng NHA.

Nilalayon ng hakbang na mapalakas ang seguridad sa pagkain at isulong ang sustainability habang tinutugunan ang mga hamon sa sektor ng agrikultura.

Ang inisyatibang ito ay bahagi ng KADIWA ng Pangulo (KNP) Program na sumusuporta sa layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong“ Marcos Jr. na matulungan ang mga magsasaka na direktang maibenta ang kanilang produkto sa mga mamimili.

 Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ugnayan  ng mga magsasaka, mangingisda, maliliit na negosyante, at mamimili, nagbibigay ang KADIWA Program ng sariwa at lokal na ani sa abot-kayang presyo.

Kaugnay nito, pinasalamatan  ni GM Tai ang DA dahil sa suporta nito sa misyon na madala ang serbisyo ng pamahalaan sa mga resettlement site.

Binigyang-diin din ni GM Tai na ang KADIWA ay naging mahalagang bahagi ng bawat NHA People’s Caravan upang matiyak na direktang nakikinabang ang mga komunidad sa mga inisyatiba ng programa.

Samantalang dumalo rin sina NHA Assistant General Mana­ger Alvin S. Feliciano, Community Support Services Department OIC Donhill  Alcain, Assistant Secretary for Agribusiness, Marketing, and Consumer Affairs, at KADIWA Program Head Atty. Genevieve Velicaria-Guevarra.

NHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->