^

Bansa

Honeylet: Duterte simpleng tao, pagkain lang masaya na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Nanindigan si ­Honeylet Avanceña na hindi deserve ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto sa kanya ng Interpol base sa warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) sa kasong crimes against humanity.

“He doesn’t deserve this kind of treatment. Ayaw na nga sana niyang magtrabaho, tumakbo sa politika pero ang mga tao ang patuloy na nagpupumilit sa kanya. Dahil naranasan n’yo ang klase ng pamumunong ibinigay niya,” emosyonal na pahayag ni Honeylet Avanceña sa video ng Wow Davao na ibinahagi ng SMNI.

“You may find his mouth very foul… nagi­ging matapang lang siya. Naalala ko nu’ng sinabi ko sa kanya na ayusin ang Ilog Pasig. Sinabi ko pa, madali lang naman ‘yan, magtapang-tapangan ka lang. Ganoon lang talaga siya. Pero ang tapang niya, may resulta,” ani Avanceña.

Hindi rin aniya naging abusado si Duterte sa puwesto, hindi mahilig sa materyal na bagay at pagkain lang ay masaya na.

 “Naawa ako kasi pagkain na lang naman ang gusto niya. Hindi na siya materialistic. Wala siyang pakialam kung may pera siya o wala. Wala rin siyang pakialam sa suot niya kahit luma na. Kahit kaunting awa na lang. Abuso grabe. Napakasimple lang ng gusto niya, pinagdamutan n’yo pa. Mas mabuti pang pinatay n’yo na lang siya doon. Kinidnap n’yo siya… wala siyang kahit ano. Wala nga siyang gamot. Dahil ga­ling kami sa Hong Kong good for three days lang ang nadala niya pati mga gamit. Sobrang pang-aabuso ito. Wala kaming laban,” saad pa ng partner ng Pangulo.

“Grabe, hindi siya nakapagpaputok ng baril kahit minsan. Wala siyang binaril, wala siyang sinaksak. Siyam daw ang mga akusasyon? Nasaan naman ‘yang siyam? Ni hindi nga siguro niya nakita ‘yang siyam na inaakusahan siya,” ani Avanceña.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with