^

Metro

Higit P10 milyong shabu samsam sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Higit P10 milyong shabu samsam sa Maynila
Nakuha sa mga suspek ang isang heat-sealed plastic labeled 8891 na naglalaman ng isang kilong hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,800,000; 13 plastic sachet ng white crystalline na may timbang na 500 grams at may halagang P3,400,000; isang caliber 9mm; isang caliber 45 colt; tatlong magazine ng  caliber 45; isang magazine ng 9mm holtser; P1,000 bill boodle money, tatlong Android phone; isang Nokia keypad phone; isang mini weighing scale; dalawang mini burner at  isang bag na may nakasulat na “which of these fruits do you like”. 
STAR / File

MANILA, Philippines — Umaabot sa P10.2-milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga ope­ratiba ng Intelligence and Foreign Liaizon Division (IFLD) ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-PDEG) sa isinagawang  buy-bust kahapon sa Quiapo, Maynila.

Ang anti-illegal drugs operation ay nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek na sina Lope Alvarez Hernandez alyas “Jojo”, 50, at Nacer Gunda, 39, kapwa naninirahan sa Brgy 387, Quiapo, Manila.

Batay sa report na isinumite kay PDEG director PBrig. Gen. Eleazar Matta, isang tip ang natanggap ng IFLD kaya ikinasa ang buy-bust operation dakong alas-3:15 ng hapon kahapon.

Kasama ang mga operatiba ng SOU NCR; Special Enforcement Service ng PDEA; MPDPolice Station isinagawa ng PNP DEG at IFLD ang buy-bust sa bahay mismo ng mga suspek sa nabanggit na address.

Nakuha sa mga suspek ang isang heat-sealed plastic labeled 8891 na naglalaman ng isang kilong hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,800,000; 13 plastic sachet ng white crystalline na may timbang na 500 grams at may halagang P3,400,000; isang caliber 9mm; isang caliber 45 colt; tatlong magazine ng  caliber 45; isang magazine ng 9mm holtser; P1,000 bill boodle money, tatlong Android phone; isang Nokia keypad phone; isang mini weighing scale; dalawang mini burner at  isang bag na may nakasulat na “which of these fruits do you like”. 

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with