^

Metro

Mall museum ng Lucky Chinatown Mall, nasunog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasunog ang mall museum ng Lucky Chinatown Mall sa Binondo, Manila, kahapon ng umaga.

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), sarado pa ang mall, na matatagpuan sa Reina Regente St., nang magsimulang sumiklab ang sunog sa ikaapat na palapag nito, dakong alas-6:45 ng umaga.

Kaagad namang nakaresponde ang mga bumbero upang apulain ang apoy.

Umabot lamang naman ng unang alarma ang sunog bago tuluyang naideklarang fire out dakong alas-8:51 ng umaga.

Wala rin naman iniulat na nasaktan o nasawi sa nabanggit na sunog.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi ng sunog, gayundin ang halaga ng mga ari-ariang napinsala nito.

vuukle comment

LUCKY CHINATOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with