^

Metro

Lalaki itinumba ng tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Lalaki itinumba ng tandem
Sa ulat ng Pasay City Police Station, dakong alas -3:20 ng hapon nang maganap ang insidente sa Tramo St, sakop ng Barangay 100.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 39-anyos na lalaki nang barilin ng riding-in-tandem habang nakatayo sa tapat ng isang bahay, sa Tramo St., Pasay City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala sa alyas na Tintoy ang biktimang residente rin ng lugar.

Sa ulat ng Pasay City Police Station, dakong alas -3:20 ng hapon nang maganap ang insidente sa Tramo St, sakop ng Barangay 100.

Sa imbestigasyon, nakatayo lamang ang biktima nang sumulpot ang gunman at walang sabi-sabing paputukan ito at agad na sumakay sa nakaantabay na motorsiklong minamaneho ng isa pang lalaki at umarangkada sa direksyon ng Protacio St.

Sa pagresponde ng mga tauhan ng Pasay Sub-Station 4, nadatnan na nakahandusay sa sementadong kalye na duguan ang biktima kaya isinugod sa Pasay City General Hospital na idineklarang patay na.

Patuloy pa ang imbestigasyon at backtracking sa mga nakalap na CCTV footages para matunton ang mga suspek.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with