^

Metro

Tapyas presyo sa produktong petrolyo, ipapatupad ngayon

Ludy Bermudo, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Tapyas presyo sa produktong petrolyo, ipapatupad ngayon
Ang Petron Corporation, Pilipinas Shell at Chevron Philippines ay magpapatupad ng price rollback ng premium at unleaded gasoline ng P0.75 kada litro, diesel ng P0.85 kada litro at kerosene ng P0.80 kada litro na epektibo alas 6:01 ng umaga ngayong Martes.
KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — May tapyas presyo ang mga lokal na kompanya ng langis sa mga produktong petrolyo ngayong araw na ito.

Ang Petron Corporation, Pilipinas Shell at Chevron Philippines ay magpapatupad ng price rollback ng premium at unleaded gasoline ng P0.75 kada litro, diesel ng P0.85 kada litro at kerosene ng P0.80 kada litro na epektibo alas 6:01 ng umaga ngayong Martes.

Magbabawas ng parehong halaga ang Seaoil Philippines at Flying V sa kanilang mga produktong petrolyo habang dalawang iba pang higanteng langis, ang PTT Philippines at Total Philippines, na hindi nagbebenta ng kerosene, ay magpapatupad ng parehong adjustment sa presyo ng kanilang mga produktong diesel at gasolina, simula rin alas-6:01 ng umaga.

Ang mga independiyenteng kompanya na Phoenix Petroleum, Unioil Philippines, Petro Gazz at Eastern Petroleum, na hindi nagbebenta ng kerosene, ay magpapatupad ng parehong price adjustments alas-6:01 ng umaga  habang ang Clean Fuel  ay mauuna alas 12:01 ng umaga.

Sinabi ng PTT Philippines Media Relation Officer na si Jay Julian na ang mga source ng industriya ng langis ay nagsiwalat na ang demand para sa langis sa pandaigdigang merkado ay nagsisimula nang bumagal dahil sa paghupa ng tensyon sa teritoryong may kaguluhan ng Gaza at ang deklarasyon ng Tehran na hindi sila gaganti sa missile ng Israel pag-atake noong nakaraang linggo.

vuukle comment

PETRON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with