^

Metro

MRT-3, naka-heightened alert sa balik-eskwela sa NCR

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
MRT-3, naka-heightened alert sa balik-eskwela sa NCR
Sa abiso ng DOTr-MRT-3, ikinasa na nila ang Oplan Biyaheng Ayos: Balik-eskwela 2024. Sinimulan umano ang pag-iral ng heightened alert sa buong linya ng MRT-3 nitong Sabado, Hulyo 27, at magtatagal ito hanggang sa Agosto 3, Sabado.
Philstar.com/Irra Lising

MANILA, Philippines — Inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na naka-heightened alert na ang linya ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kasunod nang nakatakda nang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa, partikular na sa National Capital Region (NCR).

Sa abiso ng DOTr-MRT-3, ikinasa na nila ang Oplan Biyaheng Ayos: Balik-eskwela 2024. Sinimulan umano ang pag-iral ng heightened alert sa buong linya ng MRT-3 nitong Sabado, Hulyo 27, at magtatagal ito hanggang sa Agosto 3, Sabado.

Anang DOTr, layunin nitong matiyak ang ligtas na pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral.

Nabatid na sa ilalim ng heightened alert, nakaantabay ang mga security at station personnel ng linya upang umagapay sa mga pangangailangan ng mga pasahero, lalo iyong mga estudyanteng magbabalik-eskwela.

Magpapatupad rin umano sila ng regular opera­ting hours kung saan ang unang biyahe ng tren ay 4:30am mula sa North Avenue Station sa Quezon City at 5:05am naman mula sa Taft Avenue Station sa Pasay City habang ang huling biyahe naman ng tren ay 9:30 sa North Avenue Station at 10:09pm  naman sa Taft Avenue Station.

Nakatakdang magbukas ngayong Lunes, Hulyo 29 ang klase, gayunman, dahil sa epekto ng bagyong Carina at habagat, nagpasya ang Department of Education (DepEd) at mga local government units sa ilang lugar na ipagpaliban ang balik-eskwela.

Sa datos ng DepEd, hanggang 8:00pm ng Hulyo 27, Sabado, ay aabot na sa 225 public schools sa NCR ang hindi muna magbubukas ng klase ngayong Lunes upang makapaglinis at maisailalim sa rehabilitasyon.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with