^

Metro

Website ng DOE, napasok ng hacker!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Website ng DOE, napasok ng hacker!
Artist rendition of cyber hacking.
Pixabay/Franz26

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Department of Energy (DOE) na ang website nito na Government Energy Management Program (GEMP) ay na-hack at nasira nitong Sabado ng gabi.

Naganap ang pag-hack bandang alas-6:00 ng gabi ng Hulyo 27, na agad namang nai-offline ang system.

Ayon sa DOE, nakikipagtulungan na sila ngayon sa Philippine National Computer Emergency Response Team gayundin sa developer nito para tugunan ang mga kahinaan ng website.

Tiniyak din ng DOE na nakatutok sila sa pagpapanatiling “secure” ang mga system at patuloy na i-upgrade.

Hindi pa rin naibabalik ang operasyon ng website hanggang nitong Linggo.

Sisikapin din anang DOE na maibalik agad sa full operation ang kanilang website sa lalong madaling panahon at magpapatupad na ng istratehiya upang ma­ging mas matibay ang kanilang IT system.

“We assure you that the DOE is committed to keeping its systems secure and will continue to upgrade these systems,” ayon pa sa kagawaran.

vuukle comment

DEPARTMENT OF ENERGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with