^

Metro

Bangkay ng babae lumutang sa Manila Bay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naaagnas na ang bangkay ng isang babae, na hinihinalang nalunod sa Manila Bay, ang matagpuan ng mga awtoridad sa breakwater ng Manila Yacht Club (MYC) sa Roxas Boulevard, Malate, Manila kahapon ng umaga.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkaka­kilanlan ng biktima na inilarawan lamang nasa edad 30-35-anyos, may taas na 5’4,” walang damit pang-itaas at nakasuot lamang ng kulay itim na bikini.

Sa imbestigasyon ni PCMS Dennis Suba,  ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-5:56 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa naturang lugar.

Kasalukuyan umanong nagpapatrulya sina Gerald Hernandez, dock master, at Mark Eulo Emple, security guard, sakay ng isang motor boat, nang mamataan ang bangkay, kaya’t kaagad na inimpormahan ang MYC, na siya namang tumawag sa pulisya.

Hinala naman ng mga pulis na nalunod ang biktima at walang nakapansin dito hanggang sa lumutang na lamang ang bangkay nito matapos na sabihin ng testigong si Lydia Versoza, vendor sa lugar, na huli niyang nakita ang biktima noong Hulyo 27, 2024, alas-3:00 ng hapon na naliligo sa lugar.

vuukle comment

MYC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with